Nasa mahigit apat na raan at limampung pulis sa Mimaropa Region ang itinaas ang ranggo mula police officer two hangang police superintendent.
Ito ay matapos silang makapasa sa mga interview at pagsusulit sa career advancement program ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Regional Director PCSupt. Emmanuel Licup, dumaan ang mga na-promote na pulis sa tamang proseso at hindi dahil sa mga padrino at palakasan system.
Kasunod ng pagtaas ng ranggo, tataas din ang kanilang sweldo at madadagdagan ang mga benepisyo.
Samantala, tiniyak rin ni CSupt. Licup na walang dapat ikabahala ang mga residente sa palawan lalo na ang mga turista sa banta ng terorismo sa lugar.
Ito’y matapos marekober ang isang abandonadong sasakyang pangdagat sa karagatan ng Balabac Island kamakailan.
Gayunman, nanawagan ang opisyal sa mga residente sa Palawan na ipagbigay alam agad sa mga otoridad ang anomang impormasyon sakaling may mapansing mga kahinhinalang tao sa probinsiya.
( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )
Tags: MIMAROPA Region, na-promote, PNP