Mahigit 42 milyong pisong pinsala sa agrikultura, iniwan ni bagyong Nona sa Masbate

by Radyo La Verdad | December 18, 2015 (Friday) | 1978

GERRY_PINSALA
Hirap pa rin sa pagkuha ng mga datus ang Provincial Disater Risk Reduction and Management Office sa nilikhang pinsala ng bagyong Nona sa iba’t ibang lugar sa probinsya ng Masbate.

Ito ay dahil sa problema sa komunikasyon partikular sa isla ng Ticao atBburias.

Sa inisyal na ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Office ng Masbate, 2 ang natilang patay at lima ang sugatan sa pananalasa ng bagyong Nona partikular sa bayan ng Claveria, Monreal at Aroroy.

Tinatayang mahigit isang milyon isandaang libong halaga naman ang nasira sa imprastraktura sa lalawigan.

Samantala, batay sa partial damage report ng Provincial Agriculture Office umabot na sa mahigit isanlibo apatnaraang ektarya ng pananim na palay, mais, mangga, papaya, gulay at root crops ang napinsala sa agrikultura.

Katumbas ito ng mahigit apatnaput dalawang milyong pisong halaga sa walong munisipalidad pa lamang na nakapagpasa ng kanikanilang damage report sa ahensya.

Ito ay ang mga bayan ng Baleno, Batuhan, Cawayan,Mandaon, Mobo, Masbate city, San Jacinto at San Fernando sa isla ng Ticao.

Binisita na ng mga agriculture technician ng Provincial Agriculture Office ang mga bayang apektado ng bagyo upang tumulong at kumuha ng assesment report sa pinsalang naidulot sa pananim sa lalawigan.

Ayon sa Provincial Agriculture Office aabutin pa ng isang linggo bago tuluyang makuha ang kabuuang pinsala sa pananim sa agrikultura ng probinsya.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,