Pinalitan na ang mahigit apat na raang Special Action Force ng Philippine National Police na nakadestino sa New Bilibid Prison ngayong araw.
Pinangunahan ni Police Director General Ronald Bato Dela Rosa ang isinagawang turnover ceremony ng Special Action Force.
Apat na daan at sampung miyembro ng saf ang pinalitan ng panibagong batalion din nito na magbabantay sa nbp matapos i-extend ang kanilang serbisyo.
July 21 ng simulang hawakan ng SAF troopers ang nbp upang mas higpitan ang seguridad sa pambansang piitan.
Ipinagmalaki ni PNP Chief Dela Rosa ang naging accomplishment ng outgoing SAF members na hindi umano nasuhulan ng mga corrupt na bilanggo.
Inisa-isa naman ni Director Rolando Assuncion ng BuCor ang mga nakumpiska ng mga SAF sa loob ng NBP tulad ng mga armas, cellphones, iligal na droga at sako-sakong mga patalim.
Mahigpit naman ang naging bilin ni PNP Chief Dela Rosa sa mga SAF na bagong magbabantay sa NBP na huwag mainvolved sa anumang iligal na gawain at huwag tatanggap ng suhol sa mga bilanggo.