Mahigit 400 mga residente sa Cavinti, Laguna, natulungan sa medical mission ng UNTV

by Radyo La Verdad | August 30, 2017 (Wednesday) | 3994

Pagsasaka at pag-uuling ang karaniwang ikinabubuhay ng mga residente sa bayan ng Cavinti, isang third class municipality sa Laguna. Matagal ng hinihintay ni Mang Henry Villanueva na mabisita ng UNTV at Members Church of God International ang kanilang lugar sa brgy. Malumot Mahipon upang makapagsagawa ng libreng dental at medical mission para sa kanyang mga kabarangay na hirap sa buhay.

Kaya naman laking tuwa nito ng malaman na naaprubahan na ang kahilingan para sa medical mission. Mahigit apat na raang mga kababayan natin ang napagkalooban ng iba’t-ibang medical services. Kabilang na dito si lola De Leon na naka-avail ng libreng ultra sound.

Masaya ding nakiisa ang mga partners in public service ng UNTV kabilang na ang mga volunteer doctor mula sa Laguna Medical Society.

 

(Sherwin Culubong / UNTV Corrrespondent)

 

 

Tags: , , ,