Mahigit 400 local officials at mga kasabwat nito, kinasuhan dahil sa anomalya sa SAP

by Erika Endraca | August 24, 2020 (Monday) | 2246

METRO MANILA – 437 opisyal ng gobyerno at mga kasabwat nito ang nakitaan ng paglabag sa republic act 3019 o anti-graft ang corrupt practices act, R.A. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act at  R.A. 11332 o the law on reporting of communicable diseases

Kasunod ito ng imbestigasyon sa anomalyang nakita sa distibusyon ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP) 1.

Dismayado naman si Interior Secretary Eduardo Año dahil nagawa pa umanong mangurakot ng mga ito sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Batay sa ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kasama sa kinasuhan ang 203 na mga elected public officials, 102 na mga tauhan ng barangay o lungsod at 132 na mga civilian co-conspirators o mga kasabwat.

Ayon sa DILG, nasa 336 na sap-related cases sa bansa ang na imbistigahan na ng pnp-criminal nvestigation and detection group kung saan 240 na rito ang nai-file na sa prosecutors office.

Maliban dito, sinabi rin ng DILG na iniimbistigahan na rin ng PNP-CIDG ang 626 pang mga local official.

Naniniwala naman si Secretary Año na mas kakaunti na lamang ang anomalya sa pangalawang distribusyon ng SAP dahil electronic na ang distribusyon sa karamihan nito.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: