Tutulak na pa-Metro Manila ngayong Sabado ang mahigit sa apat naraang pulis mula sa Calabarzon Region.
Magsisilbi silang augmentation force ng National Capital Region Police na magbabantay ng seguridad sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 25.
Ayon sa tagapagsalita ng Calabarzon Police na si Supt. Chitadel Gaoiran, bagaman wala silang natatanggap na banta ay babantayan pa rin nila ang seguridad sa loob at labas ng batasang pambansa kung saan gaganapin ang SONA.
Kabilang sa mga tututukan ay ang demonstrasyon na posibleng isagawa ng mga militante pati na ang mga dadalo sa SONA na maaaring mangailangan ng atensiyong medikal.
Samantala, sinabi pa ni Gaoiran na aabangan nila ang magiging mensahe ni Pangulong Duterte para sa pambansang pulisya sa darating na SONA.
(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)
Tags: Mahigit 400 Calabarzon Police, pagbabantay ng seguridad, SONA sa Lunes
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com