Bahagi ng kulturang Pilipino ang pagkakaroon ng iba’t-ibang wika na ginagamit dito sa ating bansa bukod sa Filipino.
Ayon sa Komisyoner ng Wikang Tagalog na si Purification De Lima, mayroon tayong 129 na iba’t-ibang wika o dialekto na ginagamit dito sa ating bansa. Ngunit nakakalungkot lang aniyang isipin na 41 dito ay nanghihina na at pinangangambahang tuluyan ng mawala, partikular na aniya dito ang mga salita mula sa mga pangkat etniko at mga katutubo.
Ayon kay De Lima, isa sa dahilan kung bakit nanghihina ang mga katutubong salita ay dahil sa hindi na madalas na paggamit nito sa paglipas ng panahon.
Bunsod nito, nagsagawa ng national competition ang KWF upang maisalba ang mga katutubong wika.
Gumagawa din sila ng mga bantayog ng wika sa iba’t-ibang lugar sa bansa na aalala sa mga katutubong salita na ginagamit sa mga rehiyon.
Ayon pa kay De Lima, malaking tulong rin ang pagsasama sa mga kurikulum ng mga mag-aaral ang mga katutubong wika upang ito ay huwag tuluyang mawala.
( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )
Tags: KWF, pambansang wika, Purification De Lima