Mahigit 40 agriculture equipment, ipinamahagi ng Dept. of Agriculture sa mga magsasaka sa Masbate

by Radyo La Verdad | September 8, 2016 (Thursday) | 1378

GERRY1
Iba’t- ibang kagamitan pang-agrikultura ang ipinamahagi ng Department of Agriculture at pamahalaang lungsod ng Masbate sa mga mahihirap na para-uma o magsasaka sa syudad ng Masbate.

Sa ilalim ng programa ng ahensya na bottom up budgeting tinangga ng mga magsasaka ang apatnapung kagamitan na kinabibilangan ng labinwalong tresher ng palay, limang corn miller para sa 5 cluster corn area, walong corn sheller at labing apat na hand tractor.

Ayon kay City Mayor Rowena Tuason, malaking tulong sa mga magsasaka ang mga bagong gamit upang mapataas ang produksiyon ng palay at mais.

Ayon sa lider ng mga magsasaka na si Rene Malvar kung dati inaabot ng isang linggo kung mano-manong pag-aararo sa pamamagitan ng makina dalawang araw lang tapos ang isang ektaryang taniman.

Tinatayang mahigit limandaang magsasaka ang makikinabang ng mga kagamitang ipinagkaloob ng Department of Agriculture ay pamahalaang lungsod.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: ,