Mahigit 300K student-beneficiaries ng 4Ps ng DSWD, nagsipagtapos na ng high school

by dennis | April 6, 2015 (Monday) | 3032

IMAGE_UNTV-News_JULY152013_HIGH-SCHOOL

Matagumpay na nagtapos ng high school ang 333,673 student-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buong bansa.

Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, bukas ang iba’t- ibang opportunidad sa mga fresh high school graduates na kumuha ng vocational at college scholarship.

Bukas din ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Labor and Employment (DOLE) para magkaloob ng scholarship sa mga benepisyaryo.

Maging ang Commission on Higher Education (CHED), National Youth Commission (NYC) at ang pribadong sektor ay handa rin magbigay ng scholarship, internship o kaya naman part-time job na makakatulong sa kanila na maabot ang kani-kanilang mga pangarap.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino program ay isang human development program ng DSWD na naglalayong magbigay ng cash gifts sa mga family-beneficiaries kapalit ng pagtupad ng ilang kondisyon kasama na rito ang obligasyon na paaralin ang kanilang mga anak edad 18 pababa.(Joms Malulan/UNTV Radio)

Tags: , , , , , , , , ,