Mahigit 3,000 COVID-19 cases, nadagdag kahapon (July 30) ; kabuoang kaso umabot na sa mahigit 89,000

by Erika Endraca | July 31, 2020 (Friday) | 1576

METRO MANILA – Hindi pa man natatapos ang buwan ng Hulyo, pumalo na sa 89, 374 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa.

Naitala kahapon (July 30) ang bagong highest single-day rise sa COVID-19 cases na umabot sa 3, 954.

Ikinagulat ng marami ang biglang angat ng datos lalo na’t mas mataas pa ang kaso sa bansa kumpara sa bansang China batay sa ulat ng Johns Hopkins University.

Mayorya pa rin ng naitala (July 30) kahapon ay mula sa Metro Maila, sinundan ng Cebu province, Laguna, Rizal at Cavite

sa kabilang banda, naitala din ang “All- Time High” sa recovery rate na umabot na sa 38, 075.

37, 166 dito ang mula sa oplan recovery at 909 naman ang validated recoveries mula sa mg regional epidemiological surveillance units ng DOH’s.

Paliwaang ng DOH, nagkaroon ng tila “mass recovery” sa lumabas na datos dahil lahat ng mild at asymptomatic cases na 14 na araw o higit pa mula nang ma- test ay walang nararamdamang sakit kaya itinuturing nang recovered o gumaling na.

Ayon sa DOH, ang paglobo ng positive cases at recovery rate ay dahil sa “reconciliation efforts” na pagtugmain ang datos ng DOH at ng mga LGU sa pamamagitan ng Oplan Recovery.

Ang Oplan Recovery ay inisyatibo ng DOH upang i- monitor ang status ng confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: