Mahigit 300 residente sa bayan ng San Miguel, Bulacan, napaglingkuran sa medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | February 19, 2018 (Monday) | 7785

Isang linggo ng may ubo at sipon ang siyam na buwang gulang na  anak ni Aling Jennifer, magdadalawang linggo naman ang sa kanyang pamangkin.

Aniya, napatingnan na rin niya ito sa doktor subalit pa rin gumagaling ang mga ito. Sinubukan din niyang painumin ng mga herbal o halamang gamot ang mga bata ngunit wala pa ring nangyari.

Kaya naman hindi siya nag-atubiling lumapit sa mga volunteer doctor sa isinagawang medical mission ng UNTV at Members Church of God International sa barangay Sta. Rita Matanda sa bayan ng San Miguel, Bulacan.

Sa kabuuan, umabot sa 321 ang mga napagkalooban ng libreng serbisyo. Ito na ang pangalawang pagkakataon ay natugunan ang hiling ng  barangay officials na makapagsagawa ng medical mission sa kanilang lugar.

 

( Gerry Galicia / UNTV Correspondent )

Tags: , ,