San Fernando, Pampanga – Agad na natanggap sa trabaho ang mahigit 3,000 o 13% ng mga aplikante ang sa isinagawang labor day jobs fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon May 1.
Halos 31, 000 mga aplikante ang nagtungo sa 31 venue ng simultaenous nationwide jobs fair ng DOLE kasabay ng paggunita ng araw ng paggawa
Ang main site nito ay ang Kingsborough International Convention Center sa San Fernando City, Pampanga
Tiniyak naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may mga bakanteng posisyon pa na magbubukas kahit tapos na ang jobs fair para sa mga hindi agad natanggap sa trabaho.
Dahil may listahan umano sila ng mga hindi pa natatanggap at may mga bakanteng posisyon pa na magbubkas kahit tapos na ang jobs fair.
“Continuing yung continuing ang dialogue with the labor infact lahat sila ay nakalista sa amin para anytime may projects na gagawin under build build infrastracture program of the president.” ani Dole Secretary Silvestre H. Bello III
Mahigit 200,000 trabaho sa loob at labas ng bansa ang binuksan sa jobs fair ng dole. Pinakamarami rito ay job opening sa iba’t ibang ahensya ng gobierno na nasa 18,000.
(Leslie Huidem | Untv News)
Tags: DOLE, DOLE Sec. Bello, Labor Day Job Fair