Mahigit 2,600 naaresto sa paglabag sa gun ban bago natapos ang election period kaugnay ng 2023 BSKE – PNP

by Radyo La Verdad | December 1, 2023 (Friday) | 8994

METRO MANILA – Natapos na ang halos 3 buwang election period kaugnay ng pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong October 30.

Ayon kay PNP Public Information Office Acting Chief PCol. Jean Fajardo, mas mataas ang bilang ng naarestong lumabag sa gun ban ngayong halalan kumpara noong 2018 BSKE.

Base sa tala ng PNP noong 2018 nasa 1,509 lamang ang naarestong nagbitbit ng baril habang may ban. Habang 1,298 naman ang nakumpiskang mga armas.

Mas mababa ito kumpara sa nasa 2,672 na naaresto ngayong 2023 at 2,087 na nakumpiskang mga armas.

Mataas din ang naitalang validated election related incidents ngayong taon na nasa 105 habang 40 lamang noong 2018 elections.

Sa kabila nito, sinabi ng PNP na maituturing pa ring payapa sa pangkalahatan ang BSKE 2023.

Tags: , ,