Mahigit 20,000 kaso kada araw, posibleng madagdag kung itutuloy ang reduced distancing sa public

by Erika Endraca | September 15, 2020 (Tuesday) | 2464

METRO MANILA – Naninindigan ang Department Of Health (DOH) sa standard protocol na 1 meter physical distancing ngayong may pandemya upang maiwasan ang hawaan.

Kagabi (September 14) , inilatag ni Sec. Francisco Duque III ang pag- aaral ng mahigit 100 medical socities sa bansa na tutol sa reduced distancing sa public transport

Batay dito, mas maraming kaso ang maitatala sa bansa na posibleng umabot sa mahigit 20,000 kaso kada araw

“Kung babawasan iyong isang metro to 0. 75 meters, 1 meter to 0. 75 and at a 50% ridership, ibig sabihin ang pasasakayin 50% ng population dito sa NCR. Ang death rate natin ang news case everyday will reach 686 per day so if you mulitply that for 30 days you will have about 20, 580 cases per day po iyan. “ ani DOH Sec. Francisco Duque III.

Batay din sa isa pang projection, bukod sa pagdami ng positive cases, tataas din ang bilang ng mga masasawi sa sakit.

Ngayong araw (September 15)  ay isusumite ng doh ang pinal na rekomendasyon sa IATF kaugnay ng susunding distancing ng mga commuter.

Pag-aaralan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu dahil sa magkakasalungat na posisyon ng ilan sa mga miyembro ng kaniyang gabinete.

Habang wala pang pinal na desisyon, pinayuhan ng doh ang mga mananakay na mag- doble ingat at responsableng sundin ang mininum health standards.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,