Mahigit 2,000 mga nanay sa Pilipinas, nakiisa sa selebrasyon ng Breastfeeding Month

by Radyo La Verdad | August 6, 2018 (Monday) | 10620

Dalawang libo at dalawang daang mga nanay sa Metro Manila ang sabay-sabay na nagbreastfeed ng kanilang mga anak sa loob ng isang minuto sa isinagawang “Hakab na” campaign kahapon sa Pasay City.

Kaugnay ito ng pagdiriwang ng World Breastfeeding Month na ginugunita tuwing unang linggo ng Agosto.

Layon ng kampanya na maalis ang stigma o ang maling pagtingin ng mga tao kaugnay ng breastfeeding in public o sa isang pampublikong lugar.

Bukod dito, isinusulong din nito ang magagandang benipisyo ng gatas ng ina.

Bukod sa Metro Manila, una nang isinagawa ang mga katulad na activity sa ilang lugar sa bansa tulad sa Tagaytay noong Biyernes, kung saan 158 mga nanay ang nakiisa at sa Legazpi City sa Albay noong Sabado na dinaluhan naman ng 500 mga breastfeeding moms.

 

( Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent )

Tags: , ,