Mahigit 2,000 bagong kaso ng COVID-19 nadagdag kahapon; kabuoang bilang, umabot na sa mahigit 80,000

by Erika Endraca | July 27, 2020 (Monday) | 734

METRO MANILA – Mula sa mahigit 78,000 noong Sabado (July 25), pumalo na sa 80, 448 ang kabuoang covid-19 cases sa bansa noong lingo (July 26).

2,110 ang mga bagong kaso na nadagdag sa tala ng Department Of Health (DOH) kahapon (July 26).

52, 406 na ang active cases at 89.83% dito ay mild symptoms lamang.

Samantala 1,932 na ang death toll sa Pilipinas, 39 ang naitalang nasawi kahapon (July 26).

Habang umabot naman sa 26,110 ang COVID-19 recoveries sa bansa.

Ayon naman sa DOH, bagamat patuloy na umaakyat ang kaso sa bansa, nasa 11. 97 naman ang case doubling time nitong July 17 



Ibig sabihin, mas bumagal pa umano ang pag- doble ng kaso mula sa 8.28 days noong Hunyo
at maging ang case fatality rate ay bumagal na rin sa 6.7%

“Ang nakikita po nating dahilan dito ay dahil sa continuously improving na case treatment and management protocols ng ating bansa sa pag-handle ng mga COVID-19 patients” aniDOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na may posibilidad na maibalik sa Modified ECQ ang Metro Manila kapag umabot ang kabuoang kaso sa projection ng UP Octa Research na 85,000 COVID-19 cases sa katapusan ng buwan.

Maiiwasan naman aniyang umabot sa ganito ang kaso kapag hindi binalewala ng publiko ang minimum health standards lalo na ngayong mas marami ang nakalalabas ng bahay.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,