Mahigit 200 residente sa Apalit Pampanga, napaglingkuran sa Medical Mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | September 28, 2017 (Thursday) | 2859

Hindi sapat ang sweldo ng asawa ni Ginang Maricris Mayoyo bilang welder upang maipacheck-up ang kanilang dalawang taong gulang na anak na may ubo’t sipon.

Aniya, ang maliit na kita ng asawa ay pinagkakasya nila sa pagkain ng pamilya sa araw-araw.

Kaya nang mabalitaan ang muling pagkakaroon ng libreng medical mission sa kanilang lugar, agad niyang dinala ang kanyang anak.

Isa lamang si Maricris sa mahigit dalawandaang residente sa barangay Sampaloc, Apalit Pampanga sa natulungan na hatid ng libreng medical, dental, optical at legal services ng UNTV katuwang ang partners in public service sa pangunguna ng Members Church of God International.

Ito na ang ikalimang medical at dental mission na isinagawa ng grupo sa lugar ngayong taon.

Marami sa mga napaglingkuran ay mga batang may sakit na dala-dala ng kanilang mga magulang upang maipacheck up at mabigyan ng libreng gamot.

 

( Joshua Antonio / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,