Ramdam na rin ng mga pribadong universities at colleges ang epekto ng TRAIN law dahil tumataas na daw ang kanilang operating expenses.
Kaya naman naghain na sila sa Commission on Higher Education (CHED) ng 11-12% tuition increase. Kasama din sa dahilan ng ilang paaralan ay ang pagtataas ng sweldo ng mga guro.
Karamihan anila sa mga propesor sa private schools ay umaalis na dahil mas mataas ang sweldo sa mga pampublikong paaralan.
Pero ayon kay CHED officer-in-charge Prospero De Vera III, pinag-aaralan pa nila kung aaprubahan ito o hindi.
Samantala ayon sa CHED, mahigit isang milyong estudyante naman ang makikinabang sa free college education program ng pamahalaan para sa school year 2018 to 2019. 16-billion pesos ang inilaang pondo para dito.
Plano naman ng CHED na humiling sa Kongreso ng dagdag na 12-billion pesos na pondo para sa free college education para ma-accomodate ang mas maraming estudyante sa susunod na school year.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: CHED, TRAIN Law, tuition increase