Mahigit 200 pamilyang apektado sa sunog sa Malabon City kahapon, nananawagan ng agarang tulong sa pamahalaan

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 4503


Pansamantalang nananatili ngayon sa Santiago Syjuco Higschool ang mga pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa sunog sa Dulong Herrera Street kahapon ng umaga.

Sa ulat ng kawani ng barangay ibaba dalawang daan at tatlong pamilya ang nawalan ng tirahan sa insidente.

Nabigyan naman ang mga apektadong pamilya ng tulong mula sa Locale Government Unit ng Malabon City ng mga relief goods, banig, kumot, at kulambo bilang inisyal na tulong sa kanila.

Ngunit hiling ng mga ito, sana ay mabigyan sila ng agarang tulong ng pamahalaan upang magkaroon ng matitirahan.

Pagmamayari ng Social Housing Finance Corporation ang lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay na nasunog at magkakaroon pa ng dayalogo ang barangay at mayari ng lupa kung maaring ulit bumalik ang mga apektadong pamilya sa lugar.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Fely Sedillo matapos may maiwanang niluluto. Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials at magkakadikit-dikit.

Dalawa ang naitalang nasugatan at ngunit walang nasawi sa insidente

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: , ,