Striktong ipinatutupad ngayon ng Olongapo City Government ang city ordinance no. 36 series 2016 o ang anti-bullet and open pipe muffler.
Kasunod ito ng dumaraming bilang ng nagrereklamo dahil sa mga maiingay na motorsiklo.
Ang mga ikinokonsidera na illegal mufflers ay ang open, bullet type, at modified muffler na lumilikha ng maingay na tunog.
Kahapon ay sinira ng Office of Traffic Management & Public Safety ang dalawang daan at pitungput limang illegal muffler. Nagkakahalaga ng 3,000 hanggang 15,000 piso ang mga sinirang muffler.
Ang mga lalabag sa city ordinance no. 36 ay pagmumultahin ng 2,000 piso at iiimpound ang motorsiklo.
( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )
Tags: illegal muffler, motorsiklo, Olongapo City