Kung gugustuhin, kayang-kaya nang i-impeach ng Kamara ang punong mahistrado ng Korte Suprema ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez. Subalit ayon kay Alvarez, pinigilan niya muna ang nasa mahigit 200 kongresista na nais magendorso nito. Ang dahilan, nais muna nilang dumaan sa kumite ang reklamo.
Pagdating sa kumite posible umanong sabay na dinggin ang dalawang impeachment complaint laban kay Sereno.
Sinabi pa ni Alvarez na una namang talakayin ng Kamara ang reklamo laban kay Sereno bago ang impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: CJ Sereno, House Speaker Alvarez, impeachment complaint