Mahigit 200 blood bags, na-idonate ng MCGI Cavite Chapter sa PBC ngayong 2nd quarter ng 2018

by Radyo La Verdad | May 7, 2018 (Monday) | 2576

Minsan nang naranasan ni Mang Felix Miñozo kung gaano kahirap maghanap ng dugo para sa kanyang asawang dinadialysis noong nabubuhay pa ito. Dalawa hanggang tatlong bags ng dugo kada dalawang buwan ang kinakailangan sa bawat session ng kanyang asawa.

Ang kaniyang naranasang hirap ang naging inspirasyon ngayon upang regular na makapag-magdonate ng dugo at makatulong sa katulad niyang minsang nangailangan.

Isa si Mang Felix sa nakiisa sa mass bloodletting activity na  isinagawang muli ng Members Church of God International sa  Trece Martirez, Cavite kahapon.

Nakalikom ang grupo ng tatlumpu’t siyam na bags ng dugo na ipinagkaloob naman sa partner in public service nito, ang Philippine Blood Center (PBC).

Mula noong Enero ngayong taon, umabot na sa two hundred fifty bags ng dugo ang nai-donate ng MCGI Cavite Chapter sa PBC.

Ayon sa PBC, malaking tulong ang bawat isang bag ng dugo lalo na sa mga katulad ni Mang Felix.

 

( Benedict Samson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,