Mahigit 20 nasawi dahil sa matinding snowstorm sa Northeast USA

by Radyo La Verdad | January 25, 2016 (Monday) | 1003

USA-WEATHER
Umakyat na sa mahigit dalawampu ang bilang ng mga nasawi sa matinding snowstorm sa Northeast USA.

Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa aksidente sa sasakyan, carbon monoxide poisoning at atake sa puso.

Sa mga larawang kuha mula sa international space station noong sabado makikita ang lawak at laki ng nasasakupan ng winter storm.

Naitala ang pinakamatinding na snowfall sa Glengary at West Virginia na umabot sa 42 inches.

Sa ngayon ay humina na ito habang patungo ng Atlantic Ocean.

Nagsimula narin ang mga residente na maglinis ng kanilang mga bakuran na natakpan ng makapal na snow.

Samantala ayon sa Department of Foreign Affairs sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na ulat ng mga Filipino casualties bunsod ng snowstorm sa Amerika.

Ang naganap na blizzard sa Northeast USA, ang itinuturing na ikalawa sa pinaka matinding winterstorm sa kasaysayan ng bansa mula pa noong 1922.

Tags: , ,