Mahigit 16K na Senior Citizens sa Pasig City, makakatanggap na ng monthly locale pension

by Erika Endraca | July 10, 2022 (Sunday) | 606

METRO MANILA – Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang buwanang pamamahagi ng local pension sa may 16,669 na matatandang residente ng lungsod.

Ang mga kwalipikadong senior citizen ay makakatanggap ng P500 kada buwan sa kanilang Automated Teller Machine (ATM) card.

Ayon sa pahayag ng pamahalaan ng lungsod, maglalagay din sila ng schedule sa manu-manong pamamahagi ng pension para naman sa mga non-ATM holders sa bawat barangay.

Ang mga kwalipikadong residente para sa locale pension ay dapat may edad na 65 years old pataas, may 2 taon nang naninirahan sa Pasig, walang trabaho at walang ibang pinagkukuhaan na pension maliban sa DWSD.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, uunahin ang mga senior citizen na nasa laylayan ng lipunan.

Hinimok din ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang mga benepisyaryo at mga pamilyang kinatawan na iwasan ang pagpunta ng masyadong maaga sa mga distribution venues at siguruhin ang lahat ng mga kinakailangang dokumento para sa pag-avail ng pensiyon.

Gayunpaman, patuloy pa rin oobserbahan ang public health protocols sa mga distribution venues.

(Edmund Engo | La Verdad Correspondent)

Tags: