METRO MANILA – Umabot sa mahigit 1,600 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha at malakas na pag-ulan dulot ng pinagsamang epekto ng bagyong Dodong at Southwest Monsoon o habagat.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 491 pamilya o 1,638 indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas.
Mula sa mga naapektuhan, mahigit 1,400 indibidwal ang inilikas sa 36 evacuation centers sa 5 rehiyon sa bansa.
Nagkaloob na ng relief assistance ang ahensya na nagkakahalaga ng P267 milyon para sa mga naapektuhang residente.
Tags: Bagyong Dodong, NDRRMC, PAGASA