Mahigit 15K na establisyemento, tumanggap ng safety seal certificate – DILG

by Erika Endraca | August 19, 2021 (Thursday) | 2076

METRO MANILA – Iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa 15,687 private at public establishments mula sa sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagawaran na ng Safety Seal Certification dahil sa pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) na ipinatutupad ng Pamahalaan.

Ayon kay DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan E. Malaya, prevention at consumer confidence ang mabuting dulot. ng safety seal program dahil ito ang magiging basehan ng publiko kung sumusunod ba sa MPHS ang isang establisyemento.

“Ngayong tumataas na naman ang kaso ng COVID-19, napakaimportante na ang mga establisimyento ay may Safety Seal upang makasigurado ang publiko na ligtas at sumusunod sa MPHS ang mga pinupuntahan nila,” ani DILG Spokesperson and Undersecretary Malaya

Sa ilalim ng Joint Memorandum Circular (JMC) NO. 21-01, series of 2021, isang taon ang ibinigay na safety seal validity sa mga tourism enterprise at 6 na buwan naman sa mga hindi kabilang sa tourism establishments mula sa date of issuance ng sertipiko.

Magsisilbi naman na issuing authorities ang DILG, Department of Health (DOH), the Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Tourism (DOT) at mga LGU.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,