Hindi pa rin nakararanas ng malimit na pag-ulan ang tatlong isla sa Masbate sa kabila ng pag-iral ng wet season sa bansa.
Kaya may mga lugar na nakararanas pa rin ng water shortage gaya sa barangay simawa sa bayan ng uson.
Ayon sa kapitan ng barangay na si Reynaldo Etomay, noong isang taon pa sila nakararanas ng kakulangan sa supply ng tubig.
Tinatayang mahigit isanlibo limandaang residente ang nakakaranas sa kakapusan sa supply ng tubig sa bulubunduking bahagi ng baranggay simawa bayan ng Uson Masbate.
Sa walongdaang bahay rito, dalawa lang ang may gripong dinadaluyan ng tubig kaya nakikipila rito upang umigib ang buong barangay.
Ngunit ang problema, mahina rin ang patak ng tubig kaya inaabot ng halos kalahating araw bago mapuno ang mga nakapilang balde.
Dalawang kilometro rin ang ibinibiyahe ng ibang residente para lamang makaigib ng tubig.
(Gerry Galicia/UNTV Radio)
Tags: MASBATE, Uson, water shortage