Mahigit 150 undocumented OFW sa Saudi Arabia, umaasang makauuwi na sa panunungkulan ni Presumptive President Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | May 20, 2016 (Friday) | 889

undocumented-OFW
Mahigit 150 undocumented OFW na nasa talaan ng OFW Undocumented Legalization Through Amnesty o OFWULA ang humihingi ng ayuda kay President Elect Rodrigo Duterte na matulungan silang mapauwi na sa Pilipinas.

Ito ang ipinanawagan ng Chairperson ng organisasyon na si Frederick Cornejo.

Ayon kay Cornejo umalis sila sa kanikanilang pinagtatrabahuang kumpanya dahil nakaranas sila ng hindi pagpapasahod ng tama, pagmamaltrato ng amo at ang iba pa ay naging rape victim.

Sa pagkakahalal kay Duterte umaasa si Cornejo at ang mga kasama niyang undocumented dito sa Saudi na matutulungan na silang mapauwi at makasama ang kanikanilang pamilya.

Sinisikap ng UNTV News Team nakunan ng pahayag ang embahada ng Pilipinas sa Riyadh subalit hanggang ngayon ay wala pa itong ibinibigay na sagot kaugnay sa usaping ito.

(Eugene Bardoquillo/UNTV NEWS)

Tags: ,