Umabot na sa mahigit isang libo at limampung special permits ang inaprubahan ng LTFRB para makabiyahe ang mga bus sa mga probinsiya ngayong long holiday.
Ang nasabing bilang ay karagdagan sa walong libong bus na may parangkisa para bumiyahe palabas at papasok ng Metro Manila.
Ayon kay LTFRB Board Member at Spokesperson Attorney Aileen Lizada, mahigit dalawang daan at tatlumpung libong pasahero ang sumasakay ng bus patungo sa mga lalawigan at paluwas ng Metro Manila.
Samantala, paiigtingin naman ng ahensya ang operasyon nito kontra kolorum na mga sasakyan.
Pinayuhan rin ng LTFRB ang publiko na huwag sumakay sa mga kolorum na sasakyan dahil wala itong insurance at upang masiguro ang kaniang kaligtasan.
Tags: 150, LTFRB, mahabang bakasyon, special permits