Mahigit 14,500 katao, nag-martsa sa Paris para sa mabilisang pag-aksyon kontra climate change

by Radyo La Verdad | October 16, 2018 (Tuesday) | 31281

Nagsagawa ng nationwide protest ang iba’t-ibang environment advocates sa France matapos lumabas ang nakababahalang ulat ng United Nations na nananawagan sa mabilisang pag-aksyon upang makaiwas sa sakunang maaring idulot ng climate change sa buong mundo .

Walumpung siyudad ang nakilahok sa kilos-protesta noong Sabado, ika-13 ng Oktubre, mula sa Lille sa hilaga at Marseille sa kanluran. Tinatayang nasa 14,500 ang nag-martsa sa Place de l’Opera, ang sentro ng Paris. Panawagan ng mga ito na itigil na ang paggamit ng fossil energy na nagpapalala sa climate change.

Sa pamamagitan anila ng pagkilos na ito ay maipararating nila sa buong mundo na may panahon pa at mababago pa ang sistema. Dagdag pa ang maraming babala na dapat huwag ipagsawalang bahala ng mga namamahala sa bawat bansa.

Nakiisa rin ang isang Filipino French. Panawagan niya sa ating mga kababayan na lawakan ang awareness sa climate change dahil na rin sa malalakas na bagyo na nanalasa sa Pilipinas.

Ayon sa mga eksperto, nakakabahala na rin ang global warning. nagdudulot ng heatwaves, heavy rainfall, matinding snowfall, mababang crop production, sea level rise ng 40 to 50 centimeters, coral bleaching at catastrophic effect sa kalikasan ang pagtaas ng temperatura ng 1.5 to 2 degree celcius.

 

( Jhun Garin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,