Mahigit 12,000 mangingisda, apektado sa ginagawang reclamation ng China sa West Philippine Sea

by dennis | April 23, 2015 (Thursday) | 2881
Reclamation activity ng China sa Kennan Reef (photo courtesy of Magdalo partylist)
Reclamation activity ng China sa Kennan Reef (photo courtesy of Magdalo partylist)

Libo-libong mangingisda ang nanganganib na mawalan ng kabuhayan dahil sa umano’y pagkasira ng yamang dagat sa West Philippine Sea bunsod ng ginagawang reclamation activities ng China.

Nagsanib pwersa ang Department of Agriculture, Bureau of Fisheres and Aquatic Resources at University of the Philipines Marine Science Institute sa pangunguna ni professor emeritus at national scientist Dr. Edgardo Gomez upang ipaunawa sa mamamayan ang magiging masamang epekto kung tuluyang masisira ang Spratlys coral reef ecosystem.

Ang Spratlys coral reef ecosystem ay nakakapagambag ng umaabot sa US$350,000 kada ektarya, bawat taon para sa kabuhayan ng libo-libong mamamalakaya sa bansa. Dito nangingitlog at namamahay ang milyon-milyong isda na siya namang pinagkakakitaan ng mga mangingisda.

Ayon naman kay BFAR director Atty. Asis Perez, bunsod ng ginagawang reclamation sa naturang karagatan maaaring mabawasan ang suplay ng isda at malaki ang epekto nito sa mga kababayan nating mangingisda dahil doon lamang sila umaasa ng ikabubuhay

Tinatayang nasa mahigit 12,000 mangingisda ang maapektuhan sa ginagawang reclamation activities ng China sa West Philippines. (Joms Malulan/UNTV Radio)

Tags: , , , ,