Mahigit 103,000 COVID-19 cases, naitala kahapon; mahigit 5,000 kaso, nadagdag sa loob ng isang araw

by Erika Endraca | August 3, 2020 (Monday) | 669

METRO MANILA – 5, 032 ang nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 Kahapon (August 02, 2020).

Ito ang ika- 4 na araw kung saan naitala ang pinakamataas na bilang ng nahawa ng virus sa loob ng isang araw.

Dahil dito umabot na sa 103, 185 ang kabuoang bilang ng COVID-19 sa bansa

2, 059 na ang nasawi sa sakit pero pumalo naman sa 65, 557 ang gumaling na.

Kabilang dito ang mahigit 38,000 recoveries na naitala noong Huwebes na ibinatay sa global standard.

Sa projection ng up octa research, posibleng umabot sa 150,000 ang covid-19 cases sa bansa pagtapos ng Agosto.

“Sa metro manila it went down pero medyo tumataaas na naman ngayon so its’ around 1.145 sa Manila. 02:18:90- we’re seeing mga 3,000 deaths by end of august. Medyo mas mahirap i-project iyong deaths kasi nagbabago- bago, nag-i- improve ang death rate pero at the same time there’s a lag in reporting deaths mga 2 to 3 weeks. In other words kapag nag- increase in numbers, increased in deaths would come. Ani UP Octa Research Dr Guidp David .

Posible umanong hindi ito mangyari kung hihigpitan ang restrictions sa Mega Manila.

Ayon pa kay Dr David kailangang re- calibrate din ng pamahalaan ang mga stratehiya upang malaman saan ba talaga ang bulto ng pinanggagalingan ng hawaan.

Hindi rin muna dapat binuksan ang mga gym, salons, buffets at dine- in services dahil kadalasan dito nagmumula ang active transmission.

Mungkahi pa ng grupo, isang buwan na ecq ang dapat ipatupad lalo na sa mga lugar na matataas ang kaso ng COVID-19 gaya ng Metro Manila.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: