Mahigit 1,000 kandidato sa Tanauan City, sumailalim sa drug test

by Radyo La Verdad | May 2, 2018 (Wednesday) | 6431

Nagkaisa ang mahigit isang libo at limang daang kandidato sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Tanauan City Batangas na sabay-sabay magpa-drug test.

Layon nito na ipakita sa publiko na hindi impluwensyado ng ipinagbabawal na gamot ang mga nagnanais na mamuno sa lungsod kasunod na rin ng paglalabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa narco-list nito. Kasabay nito ay lumagda sa peace covenant ang mga kandidato.

Umaasa naman ang Comelec ang na magiging payapa at maayos ang halalan sa Tanauan sa ika-14 ng Mayo.

Samantala, dumating na sa Baguio City ang mga ballot boxes na gagamitin sa May 14 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Masusi ding ininspeksyon ng Comelec Baguio ang mga ito upang matiyak na wala itong ibang laman.

Sa ngayon ay nakalagak ang mga official ballot boxes sa treasurer’s office ng city hall. Pinaghahandaan naman sa ngayon ng Comelec ang training sa mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,