Mahigit 1,000 indibidwal sa Calabarzon Region, napabilang sa bagong drugs watchlist ng PRO 4A

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 3508

Hinikayat ng Police Regional Office 4a ang mga drug personalities sa Calabarzon region na kusa nang sumuko at sumailalim sa Drug Rehabilitation Program ng pamahalaan.

Kasunod ito ng nabuong bagong drugs watchlist ng PRO 4A kung saan mahigit sa isang libong indibidwal ang napabilang sa listahan.

Pero ayon kay PRO 4-A Public Information Office Chief Psupt. Chitadel Gaoiran, mababa ito kumpara sa mahigit labing isang libong drug personalities na sumuko nang simulan Oplan Tokhang noong 2016.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang rehabilitation programs para sa mga drug surenderer sa lalawigan ng Cavite.

Sa bayan ng Imus, umabot na sa mahigit 600 ang sumuko sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police simula noong October 2017.

Ang mga ito ay sasailalim sa apat hanggang anim na buwang cognitive behavioral theraphy bilang bahagi ng recovery program ng lokal na pamahalaan. Nakapaloob dito ang psycho-social intervention at basic counselling.

Sakaling matapos ng mga surrenderers ang CBT ay may trabaho na ipagkakaloob sa kanila ang Imus City Government.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,