Mahigit 1000 estudyante sa Bulacan, tinuruan ng road safety awareness ng LTO

by Radyo La Verdad | August 29, 2019 (Thursday) | 4787

Pinaigting ng Land Transportation Office (LTO) ang kampanya sa pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan sa tamang disiplina sa kalsada dahil karamihan sa mga sangkot na biktima ay kinabibilangan ng mga kabataan.

Sumailalim sa road safety  seminar ng LTO region III ang mga estudyante ng Bulacan State University sa Malolos Bulacan.

Kasama sa itinuro ang mga pangunahing tips sa pagiging defensive driver.

Batay sa datos ng Bulacan PNP, umaabot sa mahigit sampung libo ang naitalang aksidente sa kalsada sa lalawigan noong nakaraang taon. Pinaka marami dito ay ang aksidente sa motorsiklo at karamihan sa mga biktima ay mga kabataan na nasa impluwensya ng alak at droga.

“Bakit natin kailangan gawin ito, because road crashes are still part of the top causes of death, of injuries, at ang hangarin natin dito na ay bigyan kaalaman ang ating mamayan sa pagiging ligtas sa daan,” ani Atty. Sushen Sison, LTO region III.

“’Pagka ang isang driver po o lihitimong driver ay sumusunod sa batas trapiko, malayo po siya sa aksidente,” ayon kay Glorioso Daniel Martinez, Assitant Director, LTO region III.

Naniniwala ang LTO na kung habang nasa kabataan pa lamang ay naturuan na ng tamang displina ang mga motorista malaki ang mababawas sa bilang ng mga naaksidente  sa kalsada.

Bukod sa kalaman sa batas trapiko tulad ng tamang speed limit na dapat sundin sa mga lansangan, pagkilala sa mga traffic sign ay itinuro rin sa mga kabataan ang mga dapat sundin upang manatiling ligtas sa disgrasya.

(Nestor Torres | UNTV News)

Tags: , ,