Mahigit 1,000 drug personalities, sumuko sa Tarlac

by Radyo La Verdad | July 12, 2016 (Tuesday) | 912

TARLAC-DRGS
Patuloy ang pagdagsa ng mga sumusukong drug dependents at pusher sa lalawigan ng Tarlac

Sa kabuuan ayon sa Tarlac PNP, umaabot na sa mahigit isang libong drug dependents at pusher ang sumusuko sa kanila sa pamamagitan ng “oplan tokhang”.

Ikinatuwa ng PNP ang magandang resulta ng kampanya sa iligal na droga, ang problema na lamang nila ngayon wala pang sariling drug rehabilitation center sa lalawigan ng Tarlac

Ang mga nag nanais na magparehabilate ay kinakailangan pang bumiyahe papuntang Pampanga dahil yun ang pinakamalapit na rehabilitation center sa kanilang lugar.

Kaya naman plano ng lokal na pamahalaan ng Capas Tarlac na magtayo ng isang drug reformatory center isang pasilidad kung saan pansamantalang dadalhin ang mga drug dependent, hangang makapagbagong buhay ang mga ito.

Tuturuan din sila ng tamang paghahanap buhay upang hindi na magbalik sa pagamit ng bawal na gamot.

Ayon sa lokal na pmahalaan mas mura ito kumpara sa pagpapatayo ng isang rehabilitation center.

(Bryan Lacanlale/UNTV Radio)

Tags: