Umakyat na sa mahigit isang daang text messages ang natanggap ng Philippine National Police matapos ilunsad ang pinakabagong textline na ‘Text Bato.’
Ayon kay Police Community Relations Group Chief, Police Senior Superintendent Gilbert Cruz, karamihan dito ay nagbigay ng impormasyon kaugnay ng illegal drug operations.
Habang ang iba naman ay nagpasalamat dahil sa panibagong textline ng PNP kung saan naipapaabot ang reklamo ng publiko.
Tiniyak naman ni Cruz na kinukumpirma muna nila ang kanilang nakukuhang impormasyon ngunit hindi kinukuha ang identity ng informant para na rin sa seguridad nito.