Mahigit 100 miyembro ng ASG at Maute, tinutugis ng AFP sa Maguindanao at Cotabato

by Radyo La Verdad | January 30, 2017 (Monday) | 1016


Labing lima na ang napatay sa hanay ng Abu Sayyaf Group sa gitna ng pinatinding operasyon ng militar sa Butig, Lanao del Sur.

Kabilang umano sa mga nasawi ang indonesian terror suspect na si Mohisen at dalawang local terrorist na sina sahl Num at isang alyas Sadat.

Walo naman ang sugatan kabilang ang magkakapatid na Abdullah, Omar at Otto Maute at ang umano’y lider ng ASG na si Isnilon Hapilon sa inilunsad na airstrikes ng AFP sa Butig simula noong Enero 26.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung buhay pa si Hapilon na sinasabing contact sa Pilipinas ng militanteng ISIS.

Sinabi rin ng AFP na natunton na nila ang tatlong kuta ng dalawang grupo ngunit tumanggi muna silang ihayag ang detalye nito.

Tiniyak naman ng militar na sapat ang kanilang mga tauhan at kagamitan para sa mas maigting na operasyon laban sa mga teroristang grupo na target mapuksa sa loob ng anim na buwan.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,