Mahigit sa isang daang guro mula sa Marawi City ang sumailalim sa psychological first aid kahapon.
Layon nito na matulungan silang makarecover sa emotional stress at trauma na kanilang naranasan dulot ng sumiklab na kaguluhan sa Marawi City.
Katuwang ng Department of Education sa pagsasagawa ng counselling sa mga guro ang Psychological Association of the Philippines at Cultural Center of the Philippines.
Ayon naman sa gurong si Rocaya Balindong bagamat masakit sa kanila ang nangyari sa Marawi nais pa rin nilang makabalik at muling makapagturo sa syudad.
Mababakas naman sa mga larawang iginuhit ng mga guro ang kanilang hangarin na makabangon muli at maging isang mapayapang lugar ang Marawi City.
(Weng Fernandez / UNTV Correspondent)