Mahigit 100 ektarya ng palaisdaan sa Obando, Bulacan apektado ng fish kill

by Radyo La Verdad | May 8, 2018 (Tuesday) | 6330

Dumadaing na ang ilang fishpond owner sa bayan ng Obando, Bulacan. Ito ay dahil milyon-milyon na umano ang nalulugi sa kanila dahil sa nangyaring fishkill sa lugar na nagsimula noong Sabado.

Kahapon ay bumisita Obando, Bulacan ang mga tauhan ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang alamin kung ano ang naging sanhi ng fish kill sa lugar.

Pitong barangay ang apektado nito kabilang ang Pag-Asa, Pangulo, Paliwas, San Pascual, Pulo, Paco at Tawiran. Aabot sa mahigit isang daang ektarya ng palaisdaan ang apektado ng fishkill.

Ayon sa BFAR Region III, ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda ay ang pagkawala ng hangin sa tubig.

Kumuha na ang BFAR ng water sample mula sa mga apektadong palaisdaan upang masuri kung may ibang pang dahilan ng pagkamatay ng isda.

Kahapon ay wala nang naitala ang BFAR na insidente ng pagkamatay ng mga isda.

Inaasahan ng ahensya na sa susunod na linggo ay balik na sa normal ang kalagayan ng mga palaisdaan sa bayan ng Obando.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,