Mahigit 100 blood bags, nai-donate ng MCGI Cavite chapter sa Philippine Blood Center ngayong 4th quarter ng 2018

by Radyo La Verdad | November 5, 2018 (Monday) | 4305

Ngayong ikaapat na quarter ng taon, muli na namang nagsagawa ng mass blood donation ang Members Church of God International (MCGI) Cavite chapter sa tatlong magkahiwalay na lugar sa lalawigan. Ito ay sa Silang Cavite, Trece Martires City at Kawit Cavite.

Mula sa tatlong lugar ay umabot sa 117 bags ng dugo ang nakolekta ng grupo na idi-nonate sa Philippine Blood Center (PBC).

Ayon sa isa sa mga donor na si Mang Joselito Anduiza, nagsilbing inspirasyon sa kaniya upang magdonate ng dugo ang nangyari sa kaniyang anak.

Kaya naman kahit na mula pa sa Bacoor City, nagtungo siya sa silang Cavite upang makiisa sa mass bloodletting event ng MCGI at maging kabahagi ng layunin nito na makatulong sa kapwa.

Ayon sa PBC, malaki ang magagawa ng bawat isang bag ng dugo dahil tatlong pasyente ang maaaring matulungan nito.

Kaya naman nagpapasalamat ang PBC sa mga grupo tulad ng MCGI na patuloy na nag-oorganisa ng mga mass blood donation event.

Paalala naman ng PBC sa mga blood donor na panatilihing malusog ang kanilang katawan upang hindi mareject at huwag magsasawang magdonate ng dugo kada tatlong buwan.

 

( Benedict Samson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,