Mahigit 20 libong pamilya ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers sa probinsya ng Albay.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) officer-in-charge Undersecretary Emmanuel Leyco, problema rin ang mga nakatira sa 6-km permanent danger zone dahil wala rin umanong mapagkakitaan ang mga ito.
Lulan ng 24 service trucks, nagpadala ang DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon ng mga relief goods at non-food items gaya ng higaan at hygiene kits.
Hinihimok din ng DSWD na sumama ang mga residente sa kanilang mga livelihood programs at umalis na sa danger zone.
Sa kabuuan, nasa mahigit ₱60 milyong halaga na ng relief goods at non-food items ang naipadala na ng DSWD.
Patuloy pa ring magpapadala ng tulong sa mga biktima ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon hanggang sa hindi pa bumabalik sa normal ang sitwasyon doon.
( Rajel Adora / UNTV Correspondent )
Tags: Albay, Bulkang Mayon, DSWD