METRO MANILA – Posibleng sa buwan ng Mayo na maaprubahan sa Senado ang kontrobersiyal na panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).
Sa isang panayam, sinabi ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na ilang panukalang batas din ang bibigyang prayoridad sa pagbabalik-sesyon simula ngayong araw (January 23).
Kabilang na rito ang medical reserve corps, panukalang pagtatatag ng Philippine Center for Disease Prevention and Control at Virology Institute.
Ani Zubiri, mayroon na lamang silang 2 buwan bago muling mag session break sa Marso.
Umaasa naman ang mambabatas na agad nang magpapatawag ng pagdinig si Senator Mark Villar na siyang pinuno ng committee on banks and financial institutions na naghain na rin aniya ng counterpart bill sa Senado.
Punto ni Zubiri, nais nilang matanong ang kapwa senador kung ano ang plano nito sa Maharlika Investment Fund bilang kasama naman niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lakad nito abroad.