Welcome development para sa Malakanyang ang paglagda ng 17 senador sa Joint Committee Report para sa pagsisimula ng pagtalakay sa panukalang Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior, senyales lamang ito na handa na nilang busisiin ang mga kontrobersyal na probisyon sa BBL.
Anya patuloy ding isusulong ng Malakanyang ang pagpapasa ng bbl sa Kamara de Representante.
Napapaloob sa bersyon ng proposed BBL na isinumite sa Senado ng Committee on Local Government na pinamumunuan ni Senator Bong bong Marcos.
Ang mga probisyon sa pagtatatag ng Bangsamoro Political Entity na ipapalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kabilang na rito ang mga probisyon sa pagtatakda ng magiging teritoryo ng Bangsamoro, self governance, political at electoral systems, power sharing ng national government at bangsamoro, at mga opisyal na bubuo nito ay matatalakay sa pagsisimula ng pagdinig ng Senado sa draft BBL bukas na sponsor ni Senator Marcos.
Umaasa naman ang Malakanyang na ikokonsidera ng Senado ang mga mahahalagang probisyon na napagkasunduan na sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front.
Una na ring sinabi ni Pangulong Aquino na nananatili siyang bukas sa bersyon ng BBL ni Senator Marcos kung ito ay mas magiging maganda kumpara sa orihinal na bersyon ng draft BBL. ( Nel Maribojoc/ UNTV News)
Tags: Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior