Ipinagtanggol ng Malacañang ang mahabang talumpati ng Pangulong Aquino sa huling SONA nito sa Kamara de Representante kahapon.
Ito ay dahil sa mga batikos ng mga kritiko kaugnay sa mahigit dalawang oras na SONA ng Pangulo.
Paliwanag ni Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr., nagpasiya aniya ang Pangulo na maging komprehensibo ang kaniyang ulat.
Ani Coloma, ginawa ito ng Pangulo para maunawaan ng taumbayan ang kabuuan ng mga pagbabagong ipinatutupad niya sa ilalim ng “Daang Matuwid.”
Mababatid na tumagal lamng ng 1 oras at 42 minuto ang SONA ni Pangulong Aquino noong 2014 subalit kagabi sa huling SONA ay tumagal ito ng 2 oras at 13 minuto(Jerico Albano/UNTV Radio)