Magnitude 6.9 na Lindol tumama sa Davao Del Sur

by Erika Endraca | December 16, 2019 (Monday) | 4819
Photo (C) Richard Fiel Ababa

METRO MANILA – Naramdaman Kahapon (Dec. 17) ang 6.9 magnitude na lindol sa Davao Del Sur.

Base sa tala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)  ang sentro ng lindol ay naramdaman 6 na kilometro ang layo sa Padada, Davao Del Sur na may lalim na 30 kilometro.

Intensity 7 ang naramndaman sa Matanao at Magsaysay Davao Del Sur.

Intensity 6 sa Kidapawan; General Santos; Bansalan, Davao Del Sur; Alabel at Malapatan, Sarangani at Koronadal City.

Ramdan naman ang Intensity 5 sa Tulunan at Matalam Cotabato; Cotabato City; Davao City at Sarangani.

Habang Intensity 1-3 naman sa Zamboanga Del Sur; Bukidnon; Cagayan De Oro; Dipolog City; at ilang bahagi ng Bukidnon.

Matatandaang una na ring niyanig ng 3 magkakasunod na lindol ang Cotabato City noong October 16, 29 at 31.

Tags: