Magkakaibang pahayag ng Philrem kaugnay ng money transfers mula sa $81 million na ninakaw sa Bangladesh, siniyasat ng mga Senador

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 5685

SENATOR-GUINGONA
Pinagsabihan ng Senate Blue Ribbon Committee sa ika-apat na pagdinig ang mag-asawang Bautista na nagma-may-ari ng Philrem Service Corporation dahil sa mga magkaka-kontra ang pahayag sa pagdinig ng Senado sa 81-million dollar money-laundering scheme.

Ang Philrem ang remittance company na ka-transaksyon ni Maia Deguito upang palitan ng piso ang 81-million dollar laundered money at ideliver sa mga junket operator sa casino.

Una nang sinabi ni Salud Bautista, ang Chief Executive Officer ng Philrem na dineliver nitong personal ang halagang 600 milyong piso at 18 milyong dolyar sa isang Weikang Xu sa anim na pagkakataon.

Subalit hindi naman nito binanggit sa pagdinig ang nangyaring bigayan ng pera sa bahay mismo ng mga Bautista na si Kam Sin Wong pa ang unang naghayag.

Ayon kay Kim Wong, 17 milyong dolyar ang unaccountable pa at nasa Philrem.

Sinabi ni Senator Ralph Recto, mahalagang mabigyang-linaw kung magkano ang eksaktong halaga ng perang dineliver at pinick-up upang mabawi ang pera at maisauli sa Bangladesh government.

Hindi naman nakarating ang bagong testigong pinahaharap ng Senado sa pagdinig na si Mark Palmares, ang messenger ng Philrem na binanggit na kasamang nagdeliver ng pera kay Weikang Xu sa Solaire.

(Rosalie Coz/UNTV NEWS)

Tags: ,