Magiging running mate ni VP Binay, maaring ihayag sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | August 12, 2015 (Wednesday) | 1045

JV
Patuloy ang sinusuri ng Search Committee ng United Nationalist Alliance o UNA sa mga personalidad na maaaring maging running mate ni Vice President Jejomar Binay sa darating na Presidential Elections sa susunod na taon.

Ayon kay UNA Secretary General JV Bautista, nasa 5 o 6 ang pinagpipilian nila sa ngayon.

Dinepensahan naman ni Bautista ang pagkunsidera ni VP Binay kay Sen. Bongbong Marcos bilang running mate nito.

Matatandaan isa si VP Binay sa mga tumutol sa martial law noong panahon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos.

Sa ngayon ay nakikipagusap una sa apat na sa ngayon ay nakikipagusap ang una sa apat na national political party upang makipag-alyansa tulad ng pwersa ng masang pilipino ni Manila Mayor Joseph Estrada, Lakas CMD, Nationalist People’s Coalition at National Unity Party.

Samantala, muli namang kinuwestyon ni Atty. JV Bautista ang kwalipikasyon ni Senador Grace Poe na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan.

Aniya, dapat magkaroon ng ‘definite findings’ kaugnay ng ilang kwestyunableng impormasyon sa citizenship, residency at birth certificate ni Sen. Poe .

Handa naman si Sen. Poe na sagutin ang lahat ng kumukwestyon sa kanyang kwalipikasyon. (Darlene Basingan / UNTV News)

Tags: ,