Magiging roadmap para sa usapang pangkapayapaan, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte – OPAPP

by Radyo La Verdad | July 20, 2016 (Wednesday) | 2825
Courtesy: Presidential Communications
Courtesy: Presidential Communications

Nanumpa na kay Pangulong Rodrido Duterte ang mga bagong miyembro ng Government Peace Panel na kinabibilangan nina Hernani Braganza, Atty. Rene Sarmiento, Atty. Angela Librado-Trinidad at Atty. Noel Felongco.

Ayon kay Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang roadmap ng pamahalaan sa usapang pangkayapaan.

Nakapaloob sa roadmap ang magiging partisipasyon ng Bangsamoro people sa peace talks at iba pang rebeldeng grupo.

Nakatakda na rin ang formal resumption ng pag-uusap ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP at Government Peace Panel sa August 20 sa Norway.

Kabilang sa pag-uusap ang pagpapalaya sa mga political prisoner.

Ayon sa OPAPP Secretary inatasan na ni Pangulong Duterte ang mga kinauukulang ahensya kung posible ang temporary release sa mga political prisoner.

Binigyang diin ni Secretary Dureza, na committed pa rin sila na ipatupad ang ilang probisyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB na nabuo na sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Sa kabila nito ipapaubaya na lamang ng administrasyong Duterte sa kongreso ang pagsasabatas ng draft Bangsamoro Basic Law o BBL.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: , ,