Isinasapinal na lamang ng organizing committee ang magiging setup ng mga broadcasting company para sa inagurasyon ni President Elect Rodrigo Duterte sa June 30.
Ayon kay incoming Presidential Communications Secretary Martin Andanar, 627 na bisita na ang nakalista para sa dadalo sa inagurasyon na gaganapin sa Rizal Hall ng Palasyo ng Malakanyang.
Nakipagpausap na rin ang communication group ni Duterte sa facebook asia para sa live streaming ng makasaysayang panunumpa ng ikalabing anim na pangulo ng bansa.
Sa ngayon ay tinatapos na lamang ang magiging talumpati ni Duterte.
Ayon naman kay incoming Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi mawawala ang scenario ng pagsasalubong ng incoming president at ng outgoing president.
Kung saan bibigyan ng departure honor si Pangulong Benigno Aquino the third.
Pagkatapos ng inagurasyon ay magkakaroon ng mass oath taking ang mga miyembro ng gabinete ni Duterte.
At magkakaroon ng tinatawag na diplomatic reception sa halip na Vin D Honneur.
Sa ngayon ayon kay Abella wala pang malinaw na impormasyon kung makakasama sa diplomatic reception si incoming Vice President Leni Robredo.
(Nel Maribojoc/UNTV Radio)
Tags: inagurasyon, incoming Presidential Communications Secretary Martin Andanar, President-Elect Rodrigo Duterte